Golden State Warriors, 2-0 kontra San Antonio Spurs sa Western Conference Playoffs

Manila, Philippines – Tinambakan ng Golden State Warriors ang San Antonio Spurs sa game-2 ng Western Conference Finals.

Nanalo ang Warriors sa score na 136-100 kung saan nanguna sa kopona si stephen curry na nakapagtala ng 29-points, 7-rebounds at 7-assists.

Ayon kay Assistant Coach Mike Brown, sinamantala nila ang pagkakataon habang injured ang ibang players ng Spurs at todo din ang pasasalamat niya sa mga bench players na malaki ang naibigay na tulong para masungkit ang panalo.


Kanila na din paghahandaan ang game-3 na gaganapin naman sa home court ng kalaban habang bukas naman mapapanood ang game 1 sa pagitan ng Cleveland Cavaliers at Boston Celtics sa Eastern Conference Finals.
DZXL558

Facebook Comments