Isang 53-anyos na ginang, ma swerteng napili sa Tawag ng Tulong ng Serbisyong XL ng RMN DZXL Manila

Isang 53-anyos na ginang na tindera ng almusal ang bibigyan ng extra puhunan ngayon makaraang mapili sa “Tawag ng Tulong” ng Serbisyong XL.

Si Lucia Saurin ng Pulang-Lupa, Las Piñas City ay nahihirapan ngayon dahil sa maliit lamang kinikita niya sa pagtitinda habang ang mister naman ay isang construction worker.

Napag-alaman pa na sa anim na anak ni Lucia, dalawa dito ay may pamilya kung saan nangungupahan sila at ang bayad ay umaabot ng P1,200 kada buwan kaya’t short na sila minsan sa budget lalo na’t kagagaling lang niya sa sakit.


Nais ni Lucia na magkaroon pa ng dagdag puhunan para madagdagan din ang mga itinitinda nito at bilang back-up na gastusin na din sakaling walang trabaho si mister.

Todo pasalamat naman si Lucia sa puhunan na ibibigay ng Serbisyong XL at sisikapin niyang mapalago ito para na din sa kapakanan ng kaniyang pamilya.

*Samantala*, may pambili na ng pansit sina Remedios Escobar ng Las Piñas at Aurelia Piedad ng Pasig City na nanalo ng P558.00 sa *Ka-Birthday Game.*

Habang P558.00 naman ang makukuha ni Carlito Bautista ng Sta. Maria, Bulacan na nakasagot sa *558 game.*

At muli naman magkakaroon ng P558.00 si Marian Rose Musni ng Makati City ang P558.00 na nanalo sa *“Resbak Winner of the Week”.*

DZXL558

Facebook Comments