Golden State Warriors, bumawi sa Game 4 ng NBA Finals kontra sa Boston Celtics

70

Panalo ang Golden State Warriors (GSW) kontra Boston Celtics sa Game 4 ng NBA Finals sa score na 107-97.

Nanguna sa Golden States ang NBA superstar na si Stephen Curry na nakapagtala ng 43 points.

Naging katuwang ni Curry sina Klay Thompson na may 18 points at Andrew Wiggins na may 17 puntos at 16 na rebounds.


Sa ngayon, tabla na sa 2-2 record ang GWS at Celtics.

Muli namang maghaharap ang dalawang koponan sa Game 5 ng NBA finals sa June 13, alas-9:00 ng gabi, oras sa Amerika.

Facebook Comments