Golden State Warriors wagi kontra Memphis Grizzlies

Manila, Philippines – Pinatatag ng Golden State Warriors ang hawak na home court at playoff advantage nito nang talunin ang Memphis Grizzlies sa iskor na 106-94.

 

Sa second half ay sumandal ang Warriors sa diskarte ni Klay Thompson nang makakuha ito ng 21 points mula sa kabuuang 31 points nito.

 

Malaki rin ang naiambag ni Stephen Curry na mayroong 21 points at 11 assists.

 

Ito ang ika-pitong sunod na panalo ng Warriors.

 

Sa kasalukuyan, hawak ng Warriors ang 59-14 record para umabanse sila ng 2 ½ na games sa karibal na San Antonio Spurs para sa agawan ng top spot sa western conference.



Facebook Comments