Baboy na nakakaintindi ng wikang Ingles at Spanish, agaw-atensyon sa isang zoo sa Florida

Manila, Philippines – Isang “bilingual” na baboy na nakakaintindi ng English at Spanish ang ipinagmalaki ng isang zoological park sa Florida.

 

Ayon sa jungle island trainer na si Marisela Gutierrez, ang baboy na pinangalanang “Gorgita” ay nakakaintindi ng higit 400 mga salita sa English at Spanish.

 

Naniniwala si Gutierrez na si Gorgita ay bilingual dahil naiintindihan ng baboy ang kanyang mga utos gamit ang wikang Spanish pati na rin ang mga utos ng ibang English speaking trainers.

 

Ang apat na taong gulang na si Gorgita ay isang Cuban-American na baboy.



Facebook Comments