GOOD NEWS | Bigtime rollback sa presyo ng langis – umarangkada na!

327

Manila, Philippines – Sa ika-apat na sunod na linggo, magpapatupad ng rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo ang ilang oil company ngayong araw.

Ito ay dahil pa rin sa pagbaba ng presyo ng petrolyo sa pandaigdigang merkado.

Piso ang bawas sa kada litro ng diesel habang P1.10 naman sa kada litro ng gasolina.

Buena mano na nagpapatupad ng bawas-presyo ang Phoenix Petroleum Philippines na epektibo na kaninang alas-6:00 ng umaga.

Habang bukas ng alas 6:00 ng umaga magiging epektibo ang rollback ng Petro Gazz at Eastern Petroleum.

Facebook Comments