GOOD WORKING RELATIONSHIP | Kampanya kontra illegal gambling, mapapaigting pa sa pag-upo ni incoming PNP Chief Oscar Albayalde ayon kay PCSO General Manager Alexander Balutan

Manila, Philippines – Kumpiyansa si Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Alexander Balutan na mapapaigting pa ang kampanya kontra illegal gambling sa ilalim ng pamumuno ni incoming PNP Chief Oscar Albayalde.

Umaasa si Balutan na magkakaroon sila ng good working relationship ni Albayalde.

Inaabangan na rin niya ang sit-down meeting nila ng bagong hepe.


Noong 2016, lumagda ng kasunduan ang PCSO at PNP kung saan tutulong ang pulisya sa paglaban sa illegal numbers games at pagbuwag ng illegal gambling operations.
Noong 2017, pinirmahan ng pangulo ang executive order 13 kung saan pinagtitibay ang kampanya sa pamamagitan ng pagsasanib-pwersa ng PNP, National Bureau of Investigation (NBI), Department of Justice (DOJ), Department of Interior and Local Government (DILG) at iba pang law enforcement agencies.

Facebook Comments