Ayon sa gobernador, dahil sa maling impormasyon kumalat, bukod sa nakakasira ng imahe ng lugar ay maaaring maapektuhan din ang turismo at ekonomiya dahil posibleng wala ng gustong bumisita sa Kalinga.
Mabilis na kumalat sa social media ang insidente ng pamamaril sa Bulano nitong Huwebes, Setyembre 8, 2022.
Makikita sa larawan na nakahandusay ang isang lalaki sa crime scene na biktima umano ng pamamaril.
Dahil dito naalarma ang mga residente at nag-umpisa ng haka haka na mayroong tribal-related violence sa lugar.
Nang respondehan ng mga pulis ay napag-alamang, ang lalaki na binaril ay isa palang aktor para sa isang television show na ‘Ang Probinsyano.’
Hindi naman matukoy kung sino ang pinagmulan ng maling impormasyon.
Ito ay kumalat ilang oras matapos ang totoong insidente ng pamamaril sa Brgy. Appas at isa pang insidente ng pamamaril sa Brgy. San Juan kamakailan na nakuhanan ng CCTV at kumalat din sa social media.
Pinaalalahanan naman ni Gobernor Eddubu ang publiko na maging maingat at siguraduhing tama ang ibabahaging impormasyon sa social media o mas mabuti ay hintayin muna ang report mula sa kapulisan.