SALPUKAN NG VAN AT MOTORSIKLO SA BAYAN NG LUNA, 1 SUGATAN

Sugatan ang drayber ng motorsiklo matapos itong salpukin ng van bandang alas-3:30 ng hapon nitong Biyernes, September 9, 2022 sa Brgy. San Isidro, Luna, Isabela.

Kinilala ang drayber ng itim na motorsiklo na si Rodelio Doroni, may-asawa, tricycle driver, at residente ng Brgy. Dalig Kalinga, Aurora, Isabela.

Habang ang drayber naman ng puting van ay si Edgar Toribio, may-asawa, isang drayber, at residente ng Brgy. Flores, Naguilian, Isabela.

Batay sa imbestigasyon, patungo ang motorsiklo sa Aurora at ng ito ay paliko sa Brgy. Macugay sa kanlurang direksyon, ay nasalpok ito ng puting van na patungo naman sa silangang direksyon.

Dahil dito, nagtamo ng mga sugat si Doroni na kaaga namang dinala sa pagamutan at inaalam pa ang kabuuang pinsala ng naturang aksidente habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Luna Police Station.

Facebook Comments