Cagayan Province- Pormal nang nanumpa si Incumbent Governor Manuel Mamba sa harapan ng mga Cagayano para sa kanyang pangalawang termino bilang Gobernador ng lalawigan ng Cagayan.
Sa kanyang naging talumpati, muling nagpasalamat ang Gobernador sa mga taong sumuporta at patuloy na sumusuporta sa kanyang administrasyon at patuloy niyang pagsusumikapan upang higit pang mapaunlad ang nasabing lalawigan.
Hiniling ng Gobernador na tanging Pagkakaisa ng bawat Cagayano ang isang nakikitang solusyon upang higit pang maitaas ang antas ng pamumuhay ng bawat Cagayano at maiwasan ang pagiging status quo na isang nagpapahirap sa bawat mamamayan sa lalawigan.
Dagdag pa ng Gobernador,naging lantaran umano ang pagbili ng mga boto nitong nakaraang halalan.
“Expensive Elections is the mother of Corruption” pahayag ni Mamba.
Nagpasaring naman si Gobernador Mamba sa kanyang mga kritiko kaugnay sa hindi pa nailalabas na pondo para sa taong 2019 na nagkakahalaga ng tinatayang dalawang bilyong piso habang sa ngayon ay meron lang supplementary at savings ang pamahalaang panlalawigan na 600 milyong piso.