Isang Grade 12 student sa bayan ng Labrador ang boluntaryong nagsauli sa kapulisan ng isang wallet na kanyang napulot, ayon sa ulat ng Labrador Police Station.
Kinilala ang estudyante bilang si Rhennie S. Cubing, mag-aaral ng Labrador National High School at residente ng Barangay Laois, Labrador, Pangasinan.
Ayon sa pulisya, napulot ng estudyante ang wallet sa harap ng Labrador National High School sa Barangay Poblacion kahapon, Enero 14, 2026.
Ang naturang wallet ay personal na isinuko ng estudyante sa himpilan ng Labrador Police Station at tinanggap ng desk officer ng Women and Children Protection Desk para sa wastong pag-iingat at pagproseso.
Nanawagan naman ang pulisya sa may-ari ng wallet na magtungo sa Labrador Police Station upang ito ay ma-claim, kasabay ang paalala na magdala ng sapat na patunay ng pagmamay-ari upang matiyak ang tamang pagbabalik ng nasabing gamit.
Patuloy ang paalala ng kapulisan sa publiko na agad ireport o isuko sa awtoridad ang anumang napupulot na personal na gamit upang maiwasan ang abala at mapanatili ang kaayusan sa komunidad.







