Performance ni Kyrie Irving, naging susi sa panalo ng Celtics

Double-double performances ang ipinakita ng star player ng Boston Celtics na si Kyrie Irving sa kanilang naging panalo kontra Miami Heat.

Kumamada si Irving ng 26-points at 10-assist dahilan para matalo nila ang Heat sa score na 107-99.

Dahil dito, nanatiling matatag sa ikalimang pwesto ng Eastern Conference ang Boston na may 28-18 win/loss record.


Samantala, lalo naman ibinaon ng Chicago Bulls (11-36) sa huling pwesto ang Cleveland Cavaliers (9-39) nang kanila itong talunin sa score na 104-88.

Facebook Comments