Manila, Philippines – Tutol ang grupo ng mga manggagawa sa pagsusulong na mai-sabatas ang 4-day work week na una nang na aprubahan sa Kamara.
Ito ayon kay Rene Magtubo, Chairperson ng Partidong Manggagawa, ay dahil maraming kumplikasyon sa isinusulong na batas ang dapat munang pagaralan.
Isang halimbawa, ayon kay Magtubo ay ang umiiral na labor law na nagtatakda na walong oras lamang ang regular na working hour ng isang empleyado, at ang sobra dito ay makakatanggap na ng additional pay.
Maaapektuhan rin aniya ang collective bargaining agreement sa pagitan ng mga union at manggagawa lalo na kung nagkaisa na sila sa work schedule.
At ang pinaka importante aniya, dapat ikundsidera ang bawat industriya sa paggawa dahil hindi lahat ng industriya ay pare pareho ang demand sa oras at araw ng paggawa.