Grupo ng mga Namemeke ng Iba’t-ibang Papel de Bangko ng Pilipinas at Ibang Bansa, Nasakote sa Isabela

Cauayan City, Isabela- Arestado sa bayan ng Tumauini, Isabela ang walong (8) katao na mga miyembro ng isang sindikato na sangkot sa pamemeke ng iba’t-ibang uri ng pera at bank notes na nag-ooperate sa National Capital Region (NCR), Region 4A at Region 2.

Kinilala ang lider ng grupo na si Menerva Roan, 53 taong gulang, may asawa, residente ng Brgy San Pedro, Angomo, Rizal at kasama sa mga nahuli sina Fe Borromeo, 67 taong gulang, may asawa, residente ng Brgy Santo Nino, San Mateo, Rizal; Michelle Quitalib, 63 taong gulang, byuda, at Monette Baronia, 41 taong gulang, may asawa, kapwa residente ng brgy. District 3, Cauayan City, Isabela; Pilar Castillejo, 64 taong gulang, may-asawa, residente ng brgy. Nungnungan, Cauayan City; Rowena De Guzman, 53 taong gulang, walang asawa, residente ng Brgy Quirino, Maria Aurora, Aurora; Aji Marquez, 25 taong gulang, walang asawa, residente ng Sinimbaan, Roxas, Isabela; at Jay Mark Bredico, may asawa at residente ng Masaya Sur, San Agustin, Isabela.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay PMaj Rolandoi Gatan, hepe ng PNP Tumauini, agad na dinakip ang mga suspek matapos kumagat sa ikinasang entrapment operation ng pinagsanib pwersa ng CIDG Isabela, PNP Tumauini, Provincial Intelligence Unit ng Isabela at ilang kasapi ng 5ID na kung saan ay positibo ang mga ito sa pagbebenta ng mga pekeng US Dollars, iba’t-ibang foreign dollar bank notes na umaabot sa halagang quadrillion, old Philippine Currency at bank statement certificate na nagkakahalaga ng trilyon dollars.


Narito ang mga nakumpiskang ebidensya mula sa pag-iingat ng mga suspek na kinabibilangan ng limang (5) Pieces Uncut 100 US Dollar na nagkakahalaga ng 14,000 Dollar; isang (1) Piece Golden US Dollar Amounting to 1 Million Bank Notes; dalawang (2) Piraso ng 100 Golden US Dollar Bank Notes; 1 piece Golden 500 Euro Bank Notes; 1 piece Golden 200 Euro Bank Notes; 1 piece 100 Golden Euro Bank Notes; 52 piecss One Hundred Trillion Each Zimbabwenian Golden Dollar Bank Notes with a total of 5.2 Quadrillion; 2 pieces One Hundred Trillion Each Zimbabwenian Dollar Paper Bills amounting 200 Trillion; 100 pieces 20 Billions Each Zimbabwenian Dollar Paper Bank Notes amounting to 2 Quadrillion; 100 Pcs 200 Thousand Each Zimbabwenian Dollar Bank Notes amounting to 2 Quadrillion; 3 Pieces 10 Million Each Zimbabwenian Dollars Bank Notes amounting to 30 Million; 1 Piece 10 Thousand Zimbabwenian Dollar Bank Notes; 2 Pcs 1 Thousand Each Zimbabwenian Dollar Bank Notes amounting to 2 Thousand; 100 Pcs 25 Iraqi Dinars Each amounting to 2500 Iraqi Dinars; 8 Pcs100 Thousand Each Vietnam Bank Notes amounting to 800 Thousand Dong; 5 Pieces 200 Thousand Each Vietnam Bank Notes amounting to 1 Thousand Dong; 8 Pcs 50 Thousand Each Vietnam Bank Notes amounting to 400 Thousand Dong; 1 Piece 500 Thousand Vietnam Dong Bank Notes; 1 Piece 1 Thousand Vietnam Dong Bank Notes; 3 Pcs5 Thousand Korean Bank Notes amounting 15 Thousand Won; 1 Piece 1 Thousand Korean Won Bank Notes; 2 Pieces 10 Thousand Peruvian Bank Notes amounting to 20 Thousand; 1 Piece 5 Thousand Peruvian Bank Notes; 1 Piece 10 Saudi Riyals; 1 Piece 5 Saudi Riyals; ilang Philippine Peso Old Currency; ilang piraso ng China Yuan; 1 Piece 500 Million Yugoslavian Dinar; 1 Piece 1 Million Turkish Lira; 1 Piece 20 Thousand Indonesian Rupee; 1 Piece 1 Thousand Brazilian Currency; 2 pieces Malaysian Ringit; 1 piece 5 UAE Dirhams at Piece 1 Thousand Zimbabwenian Dollar Check.

Nakumpiska rin sa pag-iingat ng mga suspek ang labing limang (15) cellphones, pitong (7) bala ng Caliber 45 na baril, ang P2-milyon pesos boodle money at ang kanilang ginamit na sasakyan na may plakang POD-656 na nakarehistro sa pangalang Norma C. Estavillio na residente ng Barangay Minanga, Naguillian, Isabela.

Ang mga suspek na kasalukuyang nasa pangangalaga ng CIDG Isabela ay mahaharap sa kasong Illegal Possession and Use of Bank Notes and Other Instruments of Credit at paglabag sa RA 10591.

Facebook Comments