Grupo ng mga nurse, nanawagang ipagpatuloy na ang nahintong pamamahagi ng “one COVID allowance” noong eleksyon

Welcome para sa grupo ng mga nurse ang paglalabas ng Department of Budget and Management (DBM) ng P1.081 billion para sa kompensasyon ng mga public at private healthcare workers at mga non-HCW na tinamaan ng COVID-19.

Ayon kay Philippine Nurses Association (PNA) President Melvin Miranda, malaking tulong ito para sa healthcare workers.

Gayunpaman, umapela si Miranda sa gobyerno ng maayos na sistema at tamang paghahatid ng impormasyon sa kung sino at paano ipamamahagi ang benepisyo.


Bukod dito, nanawagan din ang grupo na maiproseso na ang distribusyon ng kanilang One COVID Allowance na nahinto dahil sa Comelec spending ban.

Sabi ni Miranda, nasa 21% pa lamang ng kabuuang bilang ng healthcare workers ang nakakatanggap ng allowance mula Enero hanggang Pebrero, habang hindi pa rin nailalabas ang para sa mga buwan ng Marso at Abril.

Matatandaang una nang naglabas ang DBM ng P7.92 billion para sa allowance ng mga healthcare workers at iba pang tauhang kasali sa COVID-19 response.

Facebook Comments