Grupong Karapatan: Pagkakasibak sa hepe ng Northern Police District, drama lang

Manila, Philippines – Naniniwala ang Grupong Karapatan na drama lang ang ginawang pagsibak sa hepe Northern Police District kaugnay sa kaso ni Kian delos Santos upang pahupain ang galit ng publiko sa PNP.

Ayon kay Cristina Palabay, Secretary General ng Karapatan, muli na naman kasing nalagay sa alanganin ang Philippine National Police at ito umano ang mabisang paraan para pakalmahin ang mga tao.

Matatandaang iginigiit ni Fajardo na drug runner si Kian para sa kanyang ama at tito na nagbebenta at gumagamit ng iligal na droga.


Paliwanag ni Palabay, desperado na ang PNP na iligtas ang mukha ng organisasyon sa kahihiyan kaya gumawa na lamang sila ng kwento at nagsinungaling sa media.

Dagdag pa ni Palabay- walang kredibilidad si Fajardo at notoryus din daw ito sa “planting of evidence” sa mga naaresto kagaya na lamang ng nangyari sa mga makakaliwa na Benito at wilma tiamzon.

Una rito’y, Ipinaliwanag ni PNP Chief Ronald Dela Rosa na ang pagsibak kay Fajardo upang hindi umano maka-impluwensiya sa gagawing imbestigasyon sa pagkakadawit ng ilang tauhan ng Caloocan PNP sa pagkakapatay ng 17-anyos na si Kian Delos Santos sa war on drugs ng pamahalaan.

Facebook Comments