Isa sa mga ito si Aling April na nagtitinda ng gulay sa bagsakan. Aniya, nitong mga nakaraang araw ay mabilis mabulok ang gulay, partikular ang kalabasa, dahil sa masamang panahon.
Dahil dito, kinakailan nilang ibawas ang nabulok na gulay sa kanilang orihinal na bilang.
Bunsod din umano nito ang pagtumal sa bentahan dahil ilan sa kanilang mga kostumer ang nahihirapan bumiyahe kapag maulan.
Tumaas din ang presyo ng ilang gulay tulad ng talong na nasa P1000 kada bundle na mula sa P800, gayundin ang okra at siling labuyo na nasa P700 kada bundle.
Kaugnay nito, noong nakaraang buwan, ilang gulay ang nagbagsak presyo dahil sa oversupply. Sa ngayon, ilang produkto na lamang tulad ng carrots ang nagbaba ang presyo sa P350 kada bundle.
Ayon sa mga manlalako, bagama’t madalas na nararanasan ang ganitong sitwasyon, ikinababahala parin nila ang mga maaari pang masayang kapag nagpatuloy ang pag-ulan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










