Sa isang institutional statement na inilabas noong August 21, sinabi ng munisipyo na iginagalang nito ang freedom of expression at karapatan ng publiko na pumuna, ngunit hindi dapat ikalat ang mga hindi beripikado o mapanirang alegasyon.
Ayon sa pahayag, ang mga alegasyon ay dapat umanong nakabatay sa beripikadong impormasyon at idaan sa tamang awtoridad.
Sinabi nitong suportado ang munisipyo sa lawful investigation at accountability kung may posibleng cyberlibel o iba pang ilegal na online conduct sa mga nagpapakalat nito.
Pangkalahatan at nonpartisan lamang umano ang pahayag at hindi ito kumakampi o kumokontra sa sinumang opisyal, kandidato, partido o political group.
Sa huli, nag-abiso ang munisipyo sa publiko na mag-verify bago magpakalat ng impormasyon at hayaang ang mga kinauukulang awtoridad ang magtakda ng katotohanan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








