Friday, August 21, 2026

DICT, telcos nagkaisa para sa mas mabilis na pagpapabalik ng koneksyon sa mga nasalantang lugar ng bagyo at habagat

Mabilis na naibalik sa 100 porsyento ang telecommunications connectivity sa mga lugar na naapektuhan ng nagdaang bagyo at masamang panahon.

Ayon sa Department of Information and Communications Technology o DICT, katuwang nito sa restoration efforts ang iba’t ibang telcos upang agad maibalik ang serbisyo sa mga lugar na nawalan ng koneksyon.

Sinabi ng DICT na bahagi ito ng kanilang Digital Bayanihan initiative, kung saan nagtutulungan ang pamahalaan at pribadong sektor upang mapanatili ang komunikasyon lalo na sa panahon ng kalamidad.

Ito ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tiyaking tuloy-tuloy ang connectivity at mabilis na naihahatid ang kinakailangang serbisyo sa mga apektadong komunidad.

Facebook Comments