*Sinampahan na ng kasong paglabag sa Republic Act 9484 o Philippine Dental Act of 2007 ang isang inang gumagawa ng pustiso sa Cagayan de Oro.*
*Ito ang kinumpirma ni SPO4 Noel Oclarit sa Criminal Investigation and Detection Group o C-I-D-G.*
*Ang suspek ay ang 32 anyos na si **Angelica Eduria Garcia, may asawa na taga Tagoloan, Misamis Oriental.*
*Matandaan na naaresto ang suspek sa isinagawang entrapment operation ng C-I-D-G sa **Oceanic Building sa Barangay Macabalan dito sa syudad **matapos inireklamo ng Philippine Dental Association.*
*Pansamantalang makakalaya si Garcia kung makakapagpiyansa ito ng 50-thousand pesos.*
*Sa ngayon ang suspek ay nananatiling nasa detention cell ng C-I-D-G.*
*By: Kasamang Annaliza Amontos-Reyes*
Facebook Comments