CAUAYAN CITY – Patuloy na ipinatutupad ang gun ban sa lungsod ng Cauayan simula noong Enero 12, 2025, alinsunod sa kautusan ng Commission on Elections (COMELEC).
Ipinagbabawal ang pagdadala ng anumang uri ng baril sa biyahe mula sa tahanan, lugar ng negosyo, o pampublikong lugar.
Kasama rin sa pagbabawal ang mga armas na maaaring magdulot ng seryosong pinsala, tulad ng granada at iba pang pampasabog.
Higit pa rito, hindi pinahihintulutan ang pagkuha ng mga security personnel kung walang Certificate of Authority na inisyu ng COMELEC.
Hinihikayat ang publiko na sumunod sa gun ban upang mapanatili ang kapayapaan at seguridad sa lungsod.
Ang mga lalabag ay maaaring harapin ang kaukulang parusa alinsunod sa batas.
Facebook Comments