iFM Laoag – Ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ay ipinagdiriwang ang National Teachers’ Month (NTM) at kinikilala nitong taon ang mga natatanging kakayahang magturo at gumamit ng pambansang wikang Filipino.
Kabilang sa limang guro ng kolehiyo sa buong bansa, si Ginang Maria Eliza Lopez ng Mariano Marcos State University sa lungsod ng Laoag sa lalawigan ng Ilocos Norte ang ginawaran bilang “Ulirang Guro sa Filipino 2019 “sa kamakailan na “Gawad Ulirang Guro 2019 na ginanap sa National Museum of Fine Arts sa Maynila noong Oktubre 1, 2019.
Si Lopez ay napili bilang isa sa mga natatanging guro mula sa 139 na nominasyon sa buong bansa. Kinikilala siya sa kanyang dedikasyon sa pagtuturo ng wikang Filipino, pati na rin ang pagsulong ng katutubong wika at kultura sa kanilang lugar.
Ang pagpapupuri ay bahagi ng patuloy na programa ng komisyon upang maitaguyod at mapaunlad ang wikang Filipino sa pamamagitan ng mga insentibo at mga parangal sa pinakamataas na propesyon sa mundo.
Ang Gawad Ulirang Guro ay nasa ikaanim na taon na pinamumunoan ni National Artist Virgilio Almario, kasabay ang pagdiriwang ng Buwan ng mga Guro mula ika-5 Setyembre hanggang ika-5 Oktubre, alinsunod sa Republic Act No. 10743.