HAHARAP NA │Associate Justices Teresita de Castro at Noel Tijam, handa nang dumalo sa pagdinig ng impeachment case ni CJ Sereno

Manila, Philippines – Handa nang humarap sa pagdinig ng Kamara sina Associate Justices Teresita De Castro at Noel Tijam, para sa impeachment case ni Supreme Court Chief Justice Ma. Lourdes Sereno.

Ito ay matapos na magsumite ng kani-kanilang reply sina De Castro at Tijam, para sa ipinadalang imbitasyon ng house justice committee.

Sabi nina De Castro at Tijam sa kanilang liham, dadalo sila kaagad sa pagdinig sa oras na makakuha sila ng clearance mula sa Supreme Court En Banc.


Bukas (Nov. 28) ay magko-convene ang en banc ng Korte Suprema at doon malalaman kung makakakuha ng clearance ang dalawa.

Facebook Comments