Nasa P16.5-milyon ang kabuuang halaga ng burial at medical assistance ang na-iproseso na ng Office of the Vice President (OVP).
Ito ay kinumpirma ni OVP Spokesperson Atty. Rey Munsayac kung saan naglaan ang kanilang tanggapan ng P7.4M sa National Capital Region (NCR) at anim pang OVP satellite offices.
Sinabi rin ni Munsayac na plano din ng OVP na ikunsidera ang pagkakaroon ng karagdagang na social services para masuportahan ang utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na tulungan ang mga nasa vulnerable sectors lalo na ang mga mahihirap na pamilyang Pilipino.
Iginiit pa ng taga-pagsalita na ang plano hinggil sa pagtatayo ng permanenteng OVP office ay upang masiguro ang stability o pagpapanatili ng kanilang operasyon.
Facebook Comments