Sumipa na sa ₱5.67 bilyon ang halaga ng pinsalang idinulot ng Bagyong Quinta at Super Typhoon Rolly sa agri-fishery sector.
Batay sa datos ng Department of Agriculture, aabot sa 279, 071 metric tons ang kabuuang produksyon sa agrikultura ang nasira kabilang dito ang palay, mais at gulay.
Ito’y maliban sa mga pinsala sa alagaing hayop at sa pangisdaan.
Aabot sa 89,259 na magsasaka na mayroong 162,693 hectares ng agricultural areas ang napinsala sa Cordillera Administrative Region, Regions 1, 2 at 3, CALABARZON, MIMAROPA, Region 5, 6 at 8.
Nasa ₱2.66 bilyon ang total damage na iniwan ng Bagyong Quinta habang ₱3.01 bilyon naman kay Bagyong Rolly.
Sinisikap ngayon ng DA na makapaghatid ng ayuda kabilang na dito ang mga binhi ng palay at mais, buto ng gulay, tilapia at bangus fingerlings sa mga apektadong magsasaka at mangingsida.