HALALAN | Chief Dela Rosa at Sen. Binay, kabilang sa mga nag-file ngayong araw ng COC

213

Manila, Philippines – Apat na aspirante na sa pagka-senador ang naghain ng kani-kanilang COC ngayong ikalawang araw ng filing sa Comelec, Intramuros.

Kabilang dito si dating PNP Chief Ronald Bato Dela Rosa.

Kasama ni Dela Rosa sa paghahain niya ng COC ang misis na si Nancy at anak na si Macky.

Aminado si Dela Rosa na isa sa nag-udyok sa kanya na tumakbo ay mismong si Pangulong Duterte.

Isa anya sa mga tututukan niya sakaling maging senador ay ang muling pagbuhay sa parusang bitay.

Aminado si Dela Rosa na wala naman siyang pondo subalit umaasang susuportahan ng Partidong PDP-Laban.

Si Dela Rosa ang ika-31 sa mga naghain ng COC bilang senador.

Naghain din ng kanyang COC si Senadora Nancy Binay sa ilalim ng United Nationalist Alliance o UNA.

Sa hanay ng partylist groups, tanging ang naghain ng certificate of candidacy (COC) ngayong umaga ay ang Gabriela, Asenso at COOP NATCOO.

Facebook Comments