HALO-HALONG PAKIRAMDAM | PNP Chief, masaya na malungkot sa term extension na binigay ni Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Halo-halo ang nararamdamn ngayon ni PNP Chief Ronald Dela Rosa matapos na ianunsyo kagabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na palalawigin ang termino bilang hepe ng Pambansang Pulisya.

Ayon kay Dela Rosa, masaya siya dahil nanatili pa rin ang tiwala sa kanya ng Pangulo para ipagpatuloy ang kanyang trabaho para bigyang serbisyo ang publiko.

Malungkot rin aniya dahil nasira ang kanyang mga plano para sa kanyang retirement pero naintidihan naman daw ng kanyang asawa at mga anak ang kanyang sitwasyon kaya walang siyang magagawa kundi ituloy ang pagtatrabaho.


Naniniwala naman si General Bato na dahil sa magandang performance ng PNP ngayon kaya nagdesisyon ang pangulo na i-extend siya sa pwesto.

Sa katunayan aniya mula ng paigitngin ng PNP ang war on drugs, 1.3 milyong mga drug personalities ang sumuko, 120 drug suspek ang naaresto at marami ring namatay matapos umanong manlaban sa mga operasyon.

Pero dahil posible aniyang hindi pa satisfied ang Pangulo para sa mga pagbabago sa PNP kaya pinalawig ang kanyang termino.

Mamayang hapon pa lamang mag-uusap si Pangulong Duterte at PNP Chief sa palasyo ng Malacanang matapos ang anunsyong term extension ng Pangulo.

Facebook Comments