Halos 1 Libong Residente sa Enrile, Cagayan, Binigyan ng Tulong Pinansyal

Cauayan City, Isabela- Tumanggap ng halagang P3,000 ang ilang mga residente sa bayan ng Enrile, Cagayan mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 02.

Ito ay para sa mga residenteng nasalanta ng malawakang pagbaha dulot ng bagyong Ulysses noong Nobyembre 2020.

Pinangunahan ni DSWD Assistant Secretary Victor Neri ang pamimigay ng ayuda sa mga nasalanta mula sa programang Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS ng DSWD FO2.


Pamamaraan na rin ito ng nasabing ahensya upang matulungan ang mga pamilyang naapektuhan ng matinding pagbaha sa nasabing probinsya.

Aabot sa 897 na residente sa bayan ng Enrile ang naabutan ng tulong pinansyal mula sa DSWD.

Facebook Comments