Cauayan City, Isabela- Sa pamamagitan ng OPLAN BES (Bisita ESkwela) at Community Outreach Program ng PNP ay naserbisyohan ang 98 indibidwal kabilang na ang mga estudyante ng Ramento Elementary School, sa Brgy. Del Corpuz, Cabatuan, Isabela.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng Cabatuan Police Station sa pangunguna ng kanilang hepe na si PMaj Arturo O Cachero; Provincial Community Affairs and Development Unit ng Isabela Police Provincial Office at ilang miyembro ng Police Regional Office 2 (PRO2).
Kasama rin dito ang mga miyembro ng PNP Advocacy Group ng Isabela; LGU Cabatuan, mga Brgy. Officials at Stakeholders ng nabanggit ng barangay.
Sa Outreach program naman ng kapulisan, namahagi ang mga ito ng mga school supplies, tsinelas, hygiene kit at mga pagkain na nagbigay saya sa mga benepisyaryo.
Nagpaabot naman ng pasasalamat ang mga naturang indibidwal sa tulong na pinaabot ng mga kapulisan at sa pagpili sa kanila bilang benepisyaryo ng aktibidad.
Facebook Comments