Halos 200 indibidwal, naapektuhan ng magnitude 6.3 na lindol sa Cagayan

Nakapagtala ang Office of Civil Defense (OCD) ng 43 pamilya o katumbas ng 174 na indibidwal na naapektuhan ng magnitude 6.3 na lindol na tumama sa Dalupiri Island, Calayan, Cagayan noong isang gabi.

Sa datos ng OCD, 20 pamilya o katumbas ng 98 na indibidwal ang nasa mga evacuation centers.

Nananatili naman sa 5 ang napaulat na nasaktan pero pawang minor injuries lamang habang walang napaulat na nasawi at nawawala.


Samantala, nasa ₱44.6 million ang iniwang pinsala ng lindol sa imprastraktura kung saan 3 bahay ang nasira.

Wala namang napaulat na major interruption sa komunikasyon, linya ng tubig at kuryente.

Nagsasagawa pa rin ng monitoring at assessment sa sitwasyon ang OCD Region 2, kasama ang Cagayan at Isabela Provincial Disaster Risk Reduction Management Council habang patuloy na naka-standby ang kanilang Search and Rescue teams.

Facebook Comments