Buong tauhan ng isang PCP sa Maynila, sinibak sa pwesto

Inihayag ni Manila Police District (MPD) Chief Police Brig. Gen. Andre Dizon na tinaggal niya sa pwesto ang buong personnel ng isang Police Community Precinct (PCP).

Partikular ang 14 na tauhan Simon-Basilio-Maceda Police Community Precint o SIBAMA PCP ng Sampaloc Police Station.

Kabilang din dito ang Commander ng SIBAMA PCP na si Police Maj. Jade dela Torre.


Ayon kay Dizon, inireklamo ng mga residente ng Sampaloc ang buong unit ng SIBAMA PCP dahil sa hindi nila maramdaman ang presensiya ng mga ito.

Hindi rin nagpapatrolya at wala rin ginagawang police visibility ang mga pulis.

Pamsamantala naman uupo bilang OIC ng SIBAMA PCP si Police Lt. Palomino na mula sa MPD District Mobile Force Battalion.

Dagdag pa ni Dizon, isasailalim sa refresher course ang mga na-relieve na pulis MPD District Mobile Force Battalion.

Facebook Comments