Nagsimula nang manghuli ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng mga motoristang lumalabag sa number coding scheme.
Ayon kay MMDA Task Force Special Operations and Anti-Colorum Unit Head Col. Bong Nebrija, sa unang isang oras pa lamang ng kanilang operasyon ay nakahuli na sila ng 199 na violators.
Pitumpu (70) rito ay nahuli sa non-contact apprehension policy (NCAP).
Pinakamarami sa natiketan at pinagmulta ng P300 ay mula sa kahabaan ng EDSA na aabot sa 71.
Kaugnay nito, pinaalalahanan ni Nebrija ang mga motoristang coding ngayong araw na iwasan na lamang munang dumaan sa mga major thoroughfare.
Samantala, kapansin-pansin naman ang bahagyang pagluwag sa EDSA kasabay ng implementasyon ng number coding scheme na may kasamang tiket at multa.