Halos 2,000 koleksyon ng sikat na laro ng nintendo – pasok sa Guinness World Record!

Panghimagas – Isang babae ang sobrang saya ngayon matapos siyang makasama sa Guiness World Record dahil sa kaniyang hawak na collection.
Si anne martha harnes na mayroong 1,816 na memorabilia mula sa sikat na laro ng nintendo na “The Legend of Zelda” na inilabas noong 1986.
Kasama sa collection nito ay mga card games, life-size statues, costumes, stand-ins at mga life-size na inflatables.
2008 nang simulan ni anne nang magsimula siyang mangolekta ng mga ito na ang karamihan ay nabili niya sa e-bay.
Sa ngayon, plano pa ni Anne na maghanap at bumili pa ng mga iba’t-ibang memorabilia nang nasabing laro kung saan hiling niya na sana ay huwag nang gumawa pa ng panibagong version ng Legend of Zelda ang Nintendo.

Facebook Comments