KADAMAY, muling kinalampag ang NHA

221

Manila, Philippines – Sumugod sa harap ng tanggapan ng National Housing Authority (NHA) ang mga miyembro ng Kalipunan ng Damayang Mahihihirap o KADAMAY.

Ipinoprotesta ng KADAMAY San Roque ang mga demolisyong isinasagawa sa mga urban poor communities.

Kinondena rin ng grupo ang pagmumura ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga grupo na tutol sa jeepney modernization program.

Bitbit ang mga streamer at plakard, tinawag nila ang mga pahayag ng Pangulo na anti-poor o kotra sa mahihirap.

Idinaan din ng grupo ang kanilang pagkondena sa Pangulo sa tono ng awiting ‘Pusong Bato.’

Facebook Comments