Halos 30 pulis na naka-destino sa Guimbal, Iloilo – humiling na malipat ng beat of assignment

Nasa dalawampu’t walong pulis na nakatalaga sa bayan ng Guimbal sa Iloilo ang humiling na mailipat sila ng assignment kasunod ng nangyaring pambubugbog nina Mayor Oscar Garin at Cong. Richard Garin kay PO3 Federico Macaya.

Ayon kay SPO4 Roberto Ellorquez – kahit mga pulis ay may pakiramdam rin.

Mas mabuti na aniyang ma-reassign sila sa ibang lugar para maiwasan ang anumang komprontasyon sa mga Garin.


Samantala, ni-relieve na sa puwesto ang hepe ng Guimbal Police Station na si Senior Inspector Antonio Monreal dahil sa kawalan nito ng aksyon at hindi kabiguang arestuhin ang mag-amang Garin.

Inaalam na rin ng mga imbestigador kung magkalaban sa pulitika ang mga Garin at konsehal sa bayan na ama ng batang gusto nilang pakasuhan.

Samantala sa isang statement, humingi na ng paumanhin si Garin sa kanyang nagawa at nangakong aakuin ang responsibilidad sa nangyari.

Facebook Comments