Cauayan City, Isabela- Tinatayang aabot sa 40 indibwal ang nahuli ng kapulisan sa bayan ng Tumauini, Isabela na lumabag sa Enhanced Community Quarantine kasabay ng pagdiriwang ng mahal na araw o semana santa.
Sa ibinahaging impormasyon ni PMaj. Rolando Gatan, hepe ng pulisya, nasa 13 katao na kinabibilangan ng anim (6) na menor de edad ang kanilang naaresto matapos na maaktuhang nag pipicnic habang ang iba naman ay nag-iinuman sa tabing ilog ng Pinacanauan sa Brgy. Balug Tumauini.
Huli rin sa paglabag ng ECQ ang 5 katao na naabutang nagpipicnic sa ilog Cagayan sa Brgy. San Mateo, ng naturang bayan habang inaresto rin ang 4 na katao na naaktuhan rin nagpipicnic sa Magoli river sa brgy. Antagan 1st, Tumauini, Isabela.
Natimbog rin ng kapulisan na nagpipicnic sa Pinacanauan river sa Brgy. Namnama ng bayan ng Tumauini, ang 15 katao na kinabibilanagan naman ng 8 menor de edad na pawang mga residente ng naturang barangay.
Kasunod pa rin ito sa mahigpit na pagpapatupad ng ECQ bunsod ng COVID-19 pandemic.
Ang mga nahuli ay mahaharap sa kaukulang kaso na may kinalaman sa kanilang paglabag sa Enhanced Community Quarantine.