HALOS 45K NA MAGSASAKA SA PANGASINAN, NABIYAYAAN NG LIBRENG TITULO NG LUPA MULA SA DAR

Kabuuang 44,781 magsasaka sa lalawigan ng Pangasinan ang masuwerteng nabiyayaan na ng libreng titulo ng lupa mula sa Department Agrarian Reform Pangasinan simula noong taong 1990 hanggang sa kasalukuyang taon bilang tulong sa kanilang pagsasaka.

Sa ilalim ng programang Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) ng DAR Pangasinan, mabibigyan ang mga kwalipikadong magsasaka ng libreng titulo ng lupa bilang tulong sa kanilang pangkabuhayan na pagsasaka.

Ayon sa DAR Pangasinan, ilan sa mga pinaka-inaabangan na programa para sa Emancipation Patents at Certificates of Land Ownership Award holders o Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) ngayong taon ay ang BALAI Housing Program at Climate-Resilient Farm Productivity Support ng kagawaran.


Hindi lang umano titulo ng lupa ang makukuha ng mga magsasaka kundi maaari din silang makatanggap ng pabahay, kaalaman, at mga makinaryang pansaka para sa ikauunlad ng kanilang sakahan.

Facebook Comments