Impeachment complaint laban kina Pangulong Rodrigo Duterte at Vice President Leni Robredo, hindi susuportahan ng Liberal Party

Manila, Philippines – Hindi susuportahan ng mga kongresista mula sa Librel Party (LP) ang anumang impeachment complaint laban kina Pangulong Rodrigo Duterte at Vice President Leni Robredo.

Ayon kay Robredo, napagkasunduan ito ng LP sa pagpupulong ng partido noong Huwebes kasama ang 15 kongresista.

Aniya, magiging abala lamang ang impeachment complaints sa iba pang usapin na mas dapat na pagtuunan ng pansin ng Kamara.


Marso nang inihain ni Magdalo Partylist Represenative Gary Alejano ang impeachment complaint sa Kamara laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Nauna na ring pinahayag ni House Speaker Pantaleon Alvarez na pinag-aaralan niya ang paghahain ng impeachment complaint laban kay Robredo.
Nation

Facebook Comments