Mahigpit na screening o identification ang ipinatutupad sa mga bumoboto sa special election sa Tubaran, Lanao del Sur.
Ayon kay Commission on Elections – Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (COMELEC – BARMM) Regional Director Rey Sumalipao, isinasagawa ang mahigpit na screening para masigurong walang substitution ng mga bumoboto.
Aniya, halos 50 porsyento na rin ng mga botante ang nakaboto na sa 15 clustered precinct kung saan mga pulis ang tumatayong electoral board.
Wala rin aniyang naitalang aberya sa mga vote counting machine (VCMs).
Nauna nang idineklara ng COMELEC ang failure of elections sa Tubaran, Lanao del Sur dahil sa mga kaguluhan at pagbabanta noong mismong araw ng eleksyon Mayo 9.
Facebook Comments