Halos P550-K ng suspekted shabu, nasabat sa Parañaque

Matagumpay na naaresto ng mga awtoridad ang lalaking tinaguriang high value individual at nasa listahan ng drugs watchlist sa lungsod ng Parañaque.

Kinilala ang suspek na si alyas Jose, 22 taon gulang.

Nasamsam ng mga awtoridad sa suspek ang nasa 80 gramo ng shabu na may tinatayang street value na ₱544,000.00.

Ayon sa Parañaque PNP, matagumpay na nakabili ang police personnel ng isang sachet ng shabu sa suspek nang isagawa ang buy-bust operation.

Dito narekober pa ang tatlong sachet ng hinihinalang shabu.

Narekober din sa suspek ang buy-bust money o marked ₱1,000 bill, black backpack at isang cellphone.

Haharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 5 at 11, Article II of Republic Act No. 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments