
Nabisto ng Department of Transportation (DOTr) ang dalawang colorum na taxi na bumi-biyahe sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ngayong umaga.
Ito’y kasunod ng ginawang surprise inspection ni DOTr Secretary Vince Dizon kasama ang Land Transportation Office (LTO), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), Manila International Airport Authority (MIAA), at New NAIA Infra Corp. (NNIC).
Ayon kay DOTr Secretary Dizon, ang dalawang taxi driver ay walang prangkisa ngunit nakakalabas-pasok sa terminal.
Ani Dizon, kailangan umanong ayusin ang sistema sa paliparan para wala nang malolokong mananakay mula sa Pilipinas maging ‘yung mga lalabas ng bansa.
Matatandaang, sinibak na sa puwesto ang limang airport personnel na sangkot sa katiwalian matapos na ituro ng taxi driver na nag-viral online dahil sa paniningil ng mas mahal.