
“Safe at lahat ay masaya.”
Ganito ibinahagi ng 21 opisyal mula sa mga local government unit (LGU) ang kanilang pagdating sa bansa ngayong umaga.
Sa panayam ng RMN Manila kay Camarines Mayor Lilian Matamarosa na isa sa naipit sa tensyon na nangyayari ng tensyon sa pagitan ng Israel-Iran.
Emosyonal nitong ibinahagi ang kanyang naranasan matapos na marinig ang pamomomba sa dalawang panig.
Ang 21 na delegado ay kinabibilangan ng 11 mayor at anim na vice mayor, at ang apat dito ay trainees naman ng dairy farming mula sa Department of Agriculture (DA).
Matatandaang noong Hunyo 7 nang magtungo ang mga naturang delegado para sa study-visit sa Israel na sagot at binayaran ng pamahalaan.
Nagpasalamat naman ang mga opisyal sa Department of the Interior and Local Government (DILG) dahil sa tulong at agarang pagpapauwi.