Hamon ng Pangulo kay VP Leni na maging drug czar, dapat tanggapin ayon kay Panelo

Kung si Chief Presidential Legal Counsel & Presidential Spokesperson Salvador Panelo ang hinamon ni Pangulong Rodrigo Duterte na maging drug czar ay kanya itong tatanggapin.

 

Ito ang pahayag ni panelo kasunod nang alok ng Pangulo sa Bise Presidente na pangunahan ang kampanya kontra ilegal na droga na para sa pangalawang pangulo ay maituturing na bigo o failed.

 

Para kay Panelo pagkakataon na ito ni Robredo upang ipamalas ang kanyang galing sa pagsugpo sa matagal ng problema ng bansa, ang ilegal na droga.


 

Giit pa nito hindi lamang dapat puro pagpuna si VP Leni bagkus tumutulong din ito sa administrasyon.

 

Payo pa ni Panelo kay Robredo kung hindi nito kaya na maging drug czar o maging parte ng solusyon ay mas mabuting manahimik na lamang ito.

Facebook Comments