HARD LANDING | Eroplano galing China, sumadsad sa NAIA

Manila, Philippines – Sumadsad ang isang eroplano ng China habang lumalanding sa runway ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon kay Conchita Bungag, head ng MIAA-Media Affairs Office galing Xiamen China ang Xiamen Airlines Flight MF8667 na nakatakdang dumating alas-dose ng hating gabi sa NAIA.

Hard landing ang naging sitwasyon pagkalapag nito sa runway kaya at sumadsad ang eroplano.


Wala pang malinaw na dahilan sa nasabing insidente pero masungit na panahon ang isa sa tinitignan dahil nakataas ang rainfall warning sa Metro Manila.

Wala namang napaulat na nasugatan sa mga pasahero at crew ng eroplano.

Facebook Comments