Head ng Aegis Juris Fraternity na si Arvin Balag, mananatiling naka- detain sa Senado

Manila, Philippines – Mananatiling nakaditine sa Senado ang pinuno ng Aegis Juris Fraternity na si Arvin Balag.

Si Balag ay isa sa itinuturong sangkot sa pagkamatay ng hazing victim na si Horacio Castillo, III.

Ayon kay Sen. Juan Miguel Zubiri – wala pang ipinapadalang filler si balag matapos siyang ikulong noong Miyerkules dahil sa paulit-ulit na pagtanggi na siya ang presidente ng naturang fraternity.


Giit ng Senador, mabubulok sa kulungan si Balag habang naka-recess ang kongreso hanggang Nobyembre.

Kasabay nito, suportado naman ni Sen. Panfilo Lacson ang plano ng Manila Police District (MPD) na gamitin ang hawak nilang ebidensya sa paghahain ng kaso laban sa mga miyembro ng fraternity.

Facebook Comments