Manila North at Manila South Cemetery, puspusan ang paghahanda sa undas

Manila, Philippines – Tulu’y-tuloy ang paghahanda ng Manila North at Manila South Cemetery para sa nalalapit na undas.

Puspusan na ang paglilinis at pag-aaspalto sa kalsada sa loob ng mga sementeryo.

Kasabay nito, inilunsad na rin ang kanilang website para mas mabilis ang paghahanap ng mga kaanak sa puntod ng kanilang mga mahal sa buhay.


Matatandaang karaniwang problema tuwing undas ay ang mga hindi mahanap o pahirapang paghahanap sa mga puntod ng mga yumao.

Inaasahang aabot sa dalawang milyong tao ang pupunta sa Manila North habang nasa kalahating milyon naman sa Manila South sa mismong araw ng undas.

Facebook Comments