
Nagpaligsahan ang mga health workers mula sa iba’t ibang rehiyon sa ginanap na DOH Friendship Games 2026 sa Dagupan City.
Dumalo ang daan-daang healthcare workers at delegado mula sa Region I, Region II, Cordillera Administrative Region, Region IV-A, at Region V sa multi-regional na aktibidad na naglalayong palakasin ang samahan at pagkakaisa ng mga manggagawang pangkalusugan.
Nagtipon-tipon sa nasabing palaro ang mga doktor, nurse, medical chief, administrador, at iba pang health personnel bilang bahagi ng selebrasyon ng sportsmanship at pagkakaisa.
Ayon sa mga organizer, nagsilbi rin itong pagkakataon upang higit na mapagtibay ang ugnayan at iisang layunin ng mga frontliner sa pampublikong kalusugan.
Kasabay nito, minarkahan din ng Region I Medical Center ang ika-100 anibersaryo ng pagkakatatag nito, bilang pagkilala sa isang siglong serbisyo sa larangan ng kalusugan sa Pangasinan at karatig na lugar.
Sa mensahe ng alkalde ng lungsod, binigyang-diin ang kahalagahan ng pagkakaisa ng mga health worker at ang kanilang mahalagang papel sa pangangalaga ng buhay at kalusugan ng publiko.
Isinagawa ang Friendship Games bilang bahagi ng patuloy na inisyatiba ng Department of Health na itaguyod ang kalusugan, pagkakaisa, at kahusayan sa serbisyong pampubliko. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










