Hearing ni Sen. Leila de lima sa Muntinlupa Regional Trial Court, muli na naman naantala

Muli na naman naantala ang hearing ni Senator Leila De Lima sa may Muntinlupa Regional Trial Court Branch 205 kaugnay sa kasong may kinalaman umano sa iligal na droga na kinakaharap nito.

Ito ay dahil sa walang interpreter ang witness ng prosekusyon na si peter co na convicted dahil sa kasong pagbebenta ng iligal na droga.

Ayon sa abogado ni De Lima na si Atty. Boni tacardon, gaganapin ang susunod na pagdinig sa Enero a-31, Biyernes kung saan umaasa sila na maririnig nila ang statement ni Co.


Binigyan naman ni Muntinlupa RTC Branch 205 Judge Liezel Aquitan ng hanggang buwan ng mayo ang prosekusyon para ipakita ng mga ito ang sinasabing 54 na witnesses sa kaso ng senadora.

Nabatid kasi na hanggang sa ngayon ay nasa lima hanggang anim na witnesses pa lamang ang naipapakita ng prosekusyon.

Handa naman daw ang kampo ng senadora na maghintay kung saan kasama sa ginanap na hearing ang isa sa mga representative ng inter-parliamentary union na si mark trowell para obserbahan ang takbo ng kaso ni De Lima.

Bukod dito, ilang grupo na taga-suporta ni Sen. De lima ang nagtungo sa labas ng Muntinlupa RTC para ipanawagan na palayain na siya dahil sa tingin nila ay pawang mga pekeng akusasyon at ebidensiya ang ibinabato sa senadora.

Facebook Comments