CEBU – Itinaas ng PAGASA ang heavy rainfall warning sa lalawigan sa Visayas dahil sa nararanasang pag-ulan dulot ng Low Pressure Area .Sa abiso ng PAGASA, alas 9:00 ng umaga, itinaas ang orange rainfall warning sa Cebu, Leyte at Southern Leyte.Dating makakaranas ng pagbaha at landslides sa mga lugar na apektado ng malakas na buhos ng ulan.Samantala, yellow rainfall warning naman ang umiiral sa Bohol at sa Negros Oriental.Kaugnay nito, nagkansela na ng ilang flights sa Ninoy Aquino International Airport.Sa abiso ng Manila International Airport Authority, kanselado na ang flight ng PAL express na 2P 2079 Manila to Catarman at gayundin ang flight 2P 2080 Catarman to Manila.Nagsuspinde na rin ng klase sa lalawigan ng Cebu ngayong araw.Sinuspinde ni Cebu Governor Hilario Davide III ang pasok sa lahat ng pampublikong paaralan mula pre-school hanggang high school.Nauna nang nag-anunsyo ng suspensyon ng klase sa mga public school si Mandaue City Mayor Luigi Quisumbing.SUNRISE – 6:25SUNSET – 5:47
Heavy Rainfall Warning, Itinaas Sa Mga Lalawigan Sa Visayas Dahil Sa Low Pressure Area – Pre-Emptive Evacuation – Ipinat
Facebook Comments