Ilang Mambabatas, Nanawagan Ng “Conscience Vote” Sa Panukalang Pagbuhay Sa Death Penalty

6

MANILA – Nanawagan ang mga kongresistang miyembro ng independent minority sa kamara na pairalin ang “conscience vote” sa panukalang ibalik muli ang parusang kamatayan sa bansa.Ayon kay Ifugao Rep. Teddy Baguilat, umaasa silang magiging batayan sa botohan ang conscience vote at hindi batay sa partido sa pulitika.Umaasa naman si Baguilat na magiging maayos ang debate sa plenaryo hinggil dito para magabayan ang mga hindi pa rin makapag-desisyon hanggang ngayon.Si Baguilat ay kasapi sa grupo ng mga mambabatas, civil society organizations, religious leader, at non-government organizations na tutol sa death penalty bill.Matatandaang sinabi ni House Speaker Pantaleon Alvarez na idadaan sa “party vote” ang botohan para sa nasabing panukalang.

Facebook Comments